Noong una kitang makita
Puso ko'y alam na
Na ika'y aking sinisinta
Magdamag, iniisip kita.
Masungit man sa akin
Di man ako kausapin
Kahit ako'y dedmahin
Ika'y mahal pa rin!
Ngayon alam ko na
Na ang puso ko'y tanga
Ikaw lang ang sinasamba
Kahit saktan mo pa
Puso ko'y nagdesisyon
Mahal ka talaga
Kahit ako'y naging gaga...ika'y mahal talaga!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento